ANO BA MUTUAL FUND?

 Ano ang ibig sabihin ng MF– Mutual Fund ? – ay pinagsama-samang fund o pondo, na ini-invest sa stocks o PSE Philippine Stock Exchange, sa government bonds, at iba pang market funds. Ito ay isang paraan para mapalaki at mapalago ang ating pera. Ika nga ni Bro. Bo Sanchez, ito ay isang klase ng "Investment Vehicle"

Ang isang pinakamahalagang rason kung bakit maganda mag invest sa mutual fund ay dahil pwede silang kumita ng mas malaki pa kumpara sa kahit anong savings account o time deposit account sa kahit anong bangko. Ang “paginvest” ng pera mo sa savings account ay parang paglagay ng mga buto ng palay sa freezer kumpara sa pagtanim nito sa isang sakahan. Hindi sila tutubo, at mawawalan lang ito ng halaga dahil sa inflation. Naaalala mo kung bakit maraming nabibili ang $1 o P50 noong 1970s pero wala na masyado ngayon? Yun ang inflation.
Sa paginvest ng pera sa mutual funds (o ibang investments tulad ng stocks o real estate), pwedeng tumubo ang pera mo ng mas mabilis kaysa sa inflation depende sa kung gaano kagaling ang mga money managers nito.
Isa pang advantage? Di tulad ng pag-invest sa paisa-isang stocks ng kumpanya o mga bonds kung saan ang maling pagpili ay makakasira sa perang pinampuhunan mo, ang mutual funds ay madalas diversified. Ang ibig sabihin nito, ang pera mo ay nakahiwahiwalay sa mga maraming investments para pababain ang panganib. Isipin mo katulad nito ang paghihiwahiwalay ng mga itlog sa maraming bayong. Kahit may masamang mangyari sa isang bayong, ligtas pa rin ang ibang natira.

FAQs ABOUT MUTUAL FUND

TYPES OF MUTUAL FUND

 ADVANTAGES AND DISADVANTAGE OF INVESTING IN MUTUAL FUNDS

INVESTMENT STRATEGIES